Sunday, Sept. 14, 2008. (kahapon lang)
Nagising na lang ako sa ingay dahil ng tita ko. Sobrang busy xia sa pag-aayos ng Christian Songs sa computer dahil anniv. ng church nila that day. Katabi ko lang ung PC kaya naririnig ko lahat ng ingay ng oras na 'yon. Ang die qu mkklimutang narinig ko nung tym na nakahiga pa ko at nakapikit pa ang aking mga mata ay "ngayon na kagad??". Hindi ko maintndihan nung tym na un ung tanong na un.
Tuluyan na kong gumising dahil sa ingay. Pagkabangon ko ay sinabi kaagad sa'kin ng tita ko na magdonate daw ako ng blood 4 my dad. Nagulat ako kasi alam kong hindi ko magagawa 'yon. Napakasama ko naman kung hindi ako magdodonate, dahil pra sa dad ko nman un. Ngunit dahil takot ako sa dugo.. un na lang ung sinabi ko sa tita ko.. "ayoko. takot ako sa dugo" ang mabilis niyang pagkakasagot ay..."hindi ka takot mawala papa mo??" ... awtz!! ansakit naman nung sinabi niya.. pero ang nasagot ko na lang ay "iiihhhh!!!" [my best expression ever :))].
Halos lahat ng nasa bahay ay naging busy simula ng magtext sknila si mama. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari nung time na 'yon. Tila pinapanood ko na lang ang lahat ng kanilang kilos, pinapakinggan ang kanilang mga hinaing, pinapakiramdaman kung ano ba talaga ang gagawin nila at unti-unti kong binubuo sa aking isipan kung ano ba ang nilalaman ng text ni mama nung araw na 'yon.
Kailangan daw ng 5 tao na magdodonate ng blood. Healthy daw ang kailangan. So... hindi na ko pwede dun. "payatot" daw ako ihh. almost 11 am past na nun, wala pah silang nahahanap pero na-announce na sa church namin un. Naghihintay pa sila ng balita kung ilan ang mkakapagdonate galing sa church. haizt.. ang tagal nilang naghintay. hindi naman siguradong mkkhnap ung tita ko sa church nila kasi busy lahat dahil anniv. nga ng church nila. medyo nag-aalala sila kasi dapat ay 1pm ay aalis na sila ppuntang makati med., After ng service sa Church namin ay may nagsabing 3members daw ung mkkpagdonate. so.. nakompleto na lahat. before nun.. nagkaproblema sila dahil walang sasakyan. Tinawagan ng tita ko ung isa nilang ka-churchm8.. nung una ay ayaw pumayag pero napilit siya ng tita ko. umiiyak pa nga ung tita ko habang natawag ihh. hindi na niya siguro alam ang gagawin niya.. lahat talaga ng tao dito sa house ay nagpapanic. Hindi kasi maooperahan ung dad ko pag walang nagdonate. pati ang alam daw nila ay sinabi na ni mama sakanila nung ilang araw na kompleto na daw ung blood na gagamitin. aun.aun.
6 silang pumunta dun. [driver/churchm8 ng tita ko, tito ko, tita ko at 3 churchm8 namin--diff church ung samin at sa tita ko.. :)) ]may sobrang 1, dahil hindi sigurado ung tita ko kung pwede siyang magdonate. Hindi ko kasi sigurado kung ilan ung magdodonate ihh. basta ang sabi na lang nila na 5 ung kailangan pero 2 lang ata.. pasobra ung iba.. ahihi.. itetest pa kasi kung sinu lang ung pwedeng magdonate. aun.
umalis na sila nung 1pm. Ako naman ay nagkulong muna sa room ng kuya ko. Nag-isip-isip. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. May exam pa naman kami kinabukasan at ang dami ko pang gagawin ngunit hindi ko pa nagagawa lahat. Wala pa rin akong napapag-aralan ng mga time na 'yon. Habang nakahiga ako at naiyak., hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko. Gabi na nang ako'y magising. Nagsimula na kong mag-aral ngunit hindi rin 'yon tuluy-tuloy, nnuod pa kasi ako at katext ko si mama nung time na 'yon.
Nag-internet muna ko nung bandang 12am past. Hindi pa ko tapos mag-aral non at hindi ko pa saulo ung speech. After kong magcomputer ay humiga na ko at sinimulang sauluhin ung speech ngunit nakatulugan ko na rin 'yon. aun.aun. nitatamad akong magkwento ngaun ihh.. aucn ko na lang nekz time.
para sa'yo.. pakibasa..
oha! sLmat sa pagbisita.. ang site na ito ay tungkol sa mga pangyayari sa aking buhai.. haha.. sa araw-araw na nangyayari sakin.. :]] kaya marami kayong malalaman bout skin.. hihi.. makikilala niu rin ang katauhan ko.. haha.. basta magbasa lan kayo.. ako'y hindi magaling na manunulat.. kya pagpasensyahan nyu na lan. hihi.. hilig ko lang isulat ang mga nangyayari sa aking buhay kahit na hindi dapat ilagay sa publiko.. nais ko lang mabalikan at maalala ang mga nangyari sa akin ngayon kapag lumipas na ang mga taon.. waha..!! madrama tlga ko kaya konting pasensya ulit kapag nagbasa kayo.. puro katangahan at kadramahan madalas ang laman ng aking blog.. mai mga surbeii rin jan na inyong mababasa.. aun lan.. iwan na rin kayo ng kumento kung inyong nanaisin.. maraming salamat tLga.. ang iyong pagbisita dito ay isa nang napakahalagang bagay na naitulong mu sakin.. tarush!!
Monday, September 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



No comments:
Post a Comment